Kaanyuan ng Nakatakip na Babae

on Monday, July 9, 2012

Ang  palagiang pagtatakip ni Nanay at ng kanyang mga kapatid na babae  ng kanilang buhok kahit sa kainitan ng araw, ang pagmamadali nilang pagtakip ng kanilang mga ulo pag merong estranghero, sa palagi nilang pag didilig  ng halaman sa balkonahe hindi nila kinakatamarang mag lagay ng balabal; Napagtanto ko na ang paglalagay ng balabal ay nakapahalaga sa kanila na hindi nila ito basta na lang maisantabi.

Ang paglaki ko sa Muslim na komunidad, kung saan lahat ng  mga Muslim na babae ay naka suot ng hijab, napakadali para sa aking gawin ang mga ginagawa nila. Hindi ko man lang naisip noong maliit pa ako at bago ako mag suot ng hijab kung ano ang dahilan kung bakit ang mga Muslim na babae ay kailangang magtakip ng kanilang buhok sa harap ng mg lalaking hindi nila kilala.  Datapwat lumaki ako na gusto ko yon at inantay ko ang araw kung saan ako ay mag papasyang magkapagsuot din noon.

Bago ako maka pagpasya kailangan ko na makapag sanay kagaya  na lang sa ginagawa ko kada taon sa Ramadan.  Sa ganitong banal na  buwan sa mga maliliit na mga bata, ako at ang aking mga kaibigan ay nagsusuot ng mga makukulay na balabal na nagpapasaya sa aming mga maliliit at musmus na mga mukha.  Hindi ko talaga malilimutan kung paano ang mga taong natutuwa na makita kaming nag aaral na maging mahinhin.  Ang kaanyuang ito ang nagbigay sa akin ng kaligayahan kung kaya ako ay lalong malapit sa hijab.

Dumating na ang pinakaaantay kung araw kung saan ako ay magiging muhajjaba “nakabalabal na babae.”  Alam ko maraming babae na mag sasabi na nasisiraan na ako ng bait, sino naman ang sasaklaw sa sarili niyang kalayaan, sino naman ang may gusting huwag mag suot ng mga shorts sa tag araw o magagandang  pan ligo sa dagat.

Hindi naman ito tungkol sa kalayaan, kundi ito ay sa kagustuhang maitago ang katawan.  Ito ay ang pagiging sadyang mahiyain at mahinhin.  Hindi naman Muslim lang ang may ganitong pakirandam, kundi ito ay bagay kung saan  lahat ng mga tao ay nakakaramdam.  Nagdadala ito sa atin  sa pagiging moral, pag iingat at sibilisado, kaya ito ay tinuturo sa Islam.  Kung tutuusin lahat ng mga bagay na nakakatulong sa tao na magkaruon ng mabuting buhay ay nasa Islam.

Itong mga salitang ito ay hindi para magustuhan ng mga hindi Muslim na naniniwala na ang kalayaan lamang ang makakatulong sa atin para protektahan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pag iingat at magandang edukasyon.  Kung ganoon, bakit tumataas ang krimin ng sekswalidad s bansang Canada kung saan ang babae ay ginagahasa kada anim na minuto.

Ang konsepto ng pagtatakip ay hindi pangkaraniwan sa ibang relihiyon, ito ay itinuturo din sa kristiyanisno at Judismo.  Ang mga katolikong madre ay nagtatakip ng kanilang mga buhok pati din yong mga kristiyanong pumupunta sa simbahan para mag dasal ay gumagamit din ng mga balabal tanda ng pagiging mahinhin at pag galang. Sinasabi din ng mga kristiyanong mga eskolar na dapat ang mga bababe ay mag talip ng kanilang mga ulo kahit sa labas ng simbahan.  Sa Judismo ang mga babae sa Rabbinic na panahon ay nagtatakip ng kanilang buhok at minsan pati ang kanilang mukha.  Kaya, masasabi na ang pagtakip ay kaugalian  na lahat ng mga relihiyon at sabihan ang mga tao na gawin yon para sa kanilang proteksiyon at pagka sibillisado at sya nga pala, ang pagiging malaya ay walang kinalaman sa mga damit kundi ito ay tungkol sa mga saloobin at mga  pagpupunyagi.

(Translated from http://muslim-academy.com/contemplations-of-a-veiled-girl/)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

View the Original article

0 comments: