Modern Standard Arabic o Makabagong Pamamaraan ng Arabic

on Saturday, July 14, 2012

Ang Modern Standard Arabic (MSA) ay ang pinakabagong anyo ng lengwaheng Arabic, na syang ginagamit sa pagsusulat at pormal na okasyon. Ito ay hanggo sa sinaaunang Arabic, ngunit maraming pagkakaiba sa dalawang anyo. Maraming bagay ang napagbuti sa pamamaraan ng Arabic, lalo na sa larangan ng talasalitaan. Ngunit ang katotohanan din ay nariyan na kung saan ang  dalawang anyo ay may parehong lengwahe, halimbawa ay Arabic, sa gayun marami silang pagkakatulad kaysa pagbabago. Lahat ng pagbabago sa Arabic ay isinangguni ng mga Arab bilang al-lugha al-arabiyya al-fuS-Ha o katulad ng al-fuS-Ha or fus-Ha.

Ang MSA ay ginagamit ngayon sa lahat ng pampamahalaan at opisyal na pagpupulong at liham o pag-uusap, na kung saan ang lengwaheng Arabic ang pangkaraniwang ginagamit sa araw-araw na pamumuhay ng mga Arab. Ang pangkaraniwang lengwaheng ginagamit nila ay kalimitang iba sa MSA at hindi rin katulad sa ibang bansa. Ang pambansang lengwahe ng halos lahat ng bansang Arab ay binubuo ng maraming lokal na wika na maaring higit o may kaunting pagkakaiba sa MSA.

Subalit, sa panahon ngayon ang puwang sa pagitan ng pamantayan sa pagsulat at pagsasalita ng wikain ay tila unti-unting nababawasan sa paglipas ng panahon. Sa ngayon walang mahigpit na paghihiwalay sa pagitan ng pagsulat at pagsasalita ng Arabic, sa totoo lang sa ngayon ang sinaunang anyo ng parehong pamantayan ay ginagamit. Pinagsama ng mga Arab ang pangkaraniwang wika at anyo ng pagsulat na nakasalalay sa katayuan at ang nilalaman ng usapan o liham.

Kalimitan ang ang ordinaryong paraan ng pagsasalita ng Arabic ay hindi ginagamit sa pagsusulat sa halip ginagamit nila ang MSA. Ang pangkaraniwang wikang Arabic ay ginagamit lamang sa pahayagan, sa pakikipanayam, aklat o nobela at sa kanilang programa sa telebesyon. Ngunit ang pangunahing tanong dito ay tungkol sa kung ano ba dapat ang kailangan mong matutunan? Pangkaraniwang Wika o MSA?

Madali lamang ang sagot sa tanong na ito. Tulad ng pagkatuto mo sa ibang mga lengwahe kahit hindi mo matutunan ang ugat ng lengwaheng iyon mararamdaman mong hindi mo kayang unawain ang makabagong lengwahe, maraming pagbabago na ang ginawa sa Ingles, mayroon nang iba’t-ibang uri ng diin o punto at talasalitaang salita ganun din ang pagbigkas ng mga ito ay nagkakaiba-iba sa lahat ng bansa, kaya naman kahit matuto ka ng wikang Ingles ay walang halaga kung hindi mo natutunan ang orihinal na anyo nito. Gayundin, matututo ka lamang ng MSA kung mayroon kang kunting nalalaman sa wikang Arabic. Mahirap matutunan ang wikang Arabic at ito ay magbibigay sayo ng sakit ng ulo sa pakikipag-usap sa bawat Arab na iyong makakasalamuha.

Dahil sa ang MSA ay mahalaga bilang malaking lengwahe at dahil na rin sa kanyang gamit sa medya at edukasyon, halos lahat ng Arab ay alam na at ginagamit na ito. Kapag natutuhan mo na ang MSA ay hindi na mahirap sayo na maunawaan ang mga tao na nasa mundo ng mga Arab o sa rehiyon na gumagamit ng wikang Arabic. Ngunit mayroon pa ring mga iilang Arab ang hindi alam ang MSA dahil nahihirapan silang kausapin ka gamit ang MSA, at sa halip ang kanilang pangkaraniwang wika ang kanilang ginagmit. Iyan ang usapin sa ngayon na kung saan isa sa isangdaan Arab ang walang alam sa MSA.

Sa aking palagay, kailangan mong matutunan ang MSA at ang pangkaraniwang wika o kahit isang wika lang nang sa gayun di ka maharap sa suliranin na may kinalaman sa wikang Arabic.

(Can be read in English at http://muslim-academy.com/modern-standard-arabic/)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

View the Original article

0 comments: