Kulturang Arabic at Ang banal na Kuran

on Saturday, July 14, 2012

Ang banal na Al-kuran ay ang pangunahing ugat ng kulturang Arabic na pinagkakautangan ng relihiyong Arabic, panlipunang pagtuturo at mabuting asal, at sa katotohanang ito ay angkop sa kahit saang lugar at kahit anong edad, at maaring magsagawa ng mga hakbang na kinakailangan para sa unti-unting pag-unlad ng bawat makalumang pamamaraan. Ang Sunnah ang pangalawang pangunahing ugat ng kulturang Arab-Islamic. Katulad ng pagtitiwala nila sa Al-kuran at ang pag-alala sa kanilang makaagham, katalinuhan at pagkabuhay ng kaunlaran sa kasalukuyan, ang mga Muslim rin ay naniniwala sa kanilang mga propetang Sunnah, matapos nilang itala, itipon at hatiin sa bawat kabanata at kinalaunan ginawa nila ito gamit ang kanilang teknolohikal na pagsisikap at landas ng buhay. Ang kulturang Arab-Islamic, na kung saan orihinal na hango sa Al-kuran at Sunnah, ay isang malawakang pang-unawa sa kultura na kung saan ang mga propisiya ay kapwa umiiral, pagkakaunawaan at pagpapahiwatig ng kanilang saloobin.

Ang mga Arab ay tapat, magalang, at mapagbigay. Ang mga Arab rin ay buong-buo ang pamanang kultura. Pagmasdan ang kanilang naiambag sa panitikan, relihiyon, pilosopiya, medisina, sining, agham at matimatika (ilan-ilan dito ay gawa ng non-Arab na naninirahan sa kaharian ng Islam). Ang mga Arabyan ay ang malinaw na tinutukoy na pangkat ng mga nagpapairal ng maayos na kultura, at ang mga Arabyan ang pinakamataas sa lahat ng mga bansang Arabic “AL-Arabiyya Al-Umma”. (Kadalasan ang mga Arab ay hindi ipinapahayag kung saang bansa sila nanggaling, at kung may nagtanong, sasagutin ito nang ” Ako ang mananahan ng Arab.”) Ang mga naninirahan sa Arab ay dinaraya ng mga taga kanluran. Makikitang halimbawa ay: Ang mga hanapbuhay ng mga Israelita ng palistine. Para pasiglahin ang kultura ng mga kanluranin, kailangang alisin ang moralidad ng lipunan ng mga Arab. Mali rin ang pagkilala ng mga Kanluranin sa mga Arabyan. Halos lahat ng mga tao sa kanluran ay kontra o hindi pabor sa mga Muslim at Arab.

Nararamdaman ng mga dayuhan na paminsan-minsan ang mga Arabyan ay mahirap intindihin, at ang estilo na kanilang ikinikilos ay magulo; gayunman, ang kanilang gawain ay medyo nauunawaan-at mahuhulaan. Ito ay mahalaga, bagaman, kailangan ihambing ang indibidwal na pag-uugali at huwaran ng kultura.

Ang panlipunang gawain ay nasa dakilang karangalan sa kulturang Arabic. Pamilya ang pinakamahalaga sa lahat ng anggulo ng kanilang lipunan. Samantala ang pagkatao ng bawat isa, patitiwala sa sarili, at ang tugkulin ay ibinahari at tinuro ng mga Amerikanong tagapangalaga ng kanilang anak, ang tungkulin sa pamilya ang pinakadakilang asal na itinuro ng mga pamilyang Arabic. ” Hindi katulad ng masidhing gawain ng bawat isa nahanap namin sa hilagang Amerika (lahat ng tao para sa kanilang sarili, karapatan ng bawat isa, ang mga pamilya ay pupunta malayo sa kanilang kamag-anak, sa kasalukuyan). Ang lipunan ng mga Arab ay nagbigay-diin sa karangal ng kanilang pangkat. Ang kulturang Arabic ay natuto na ang hihilingin sa bawat pangkat ay mahalaga kaysa sa hihilingin sa bawat isang tao.

Ang mga kanluranin ay dumako sa pagtitiwala sa kakayahan ng bawat isa, pantay-pantay sa sariling maanyong talumpati at pampublikong batas, karapatang manirahan sa tiyak na anyo ng pribadong pamumuhay, at ang mga tao ang may kapangyarihan kontrolin ang kung anumang dumaan sa buong mundo. Ang paniniwala ay may matatag na katangian sa kung anong pinaniniwalaan ng mga taga kanluran tungkol sa mundo at kung pano sila kumilos tungo sa bawat isa.

Ang kulturang Arabic ay ibang-iba sa kulturang kanluranin. Kahit na ang judismo at kristiyanismo ay mga relihiyong batay sa kapalarang hawak ng puongmaykapal, ang tungkulin na pinanghahawakan sa “buong mundo” kung saan dinala patungo sa kanluran isanglibong taon na ang nakalipas ay unti-unting nagbago dahil sa malaking kaalaman ng buong kalawakan tungkol sa atin. Ito’y nangangahulugang na ang katotohanan ay dinala sa pamamagitan ng mga aklat ukol sa relihiyon na makikita nating tama dahil sila ay katulad o hango sa ating kasunduan sa kalikasan at hindi katulad ng ibang estilo sa paligid.

http://muslim-academy.com/arabic-culture-and-the-holy-quran/

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

View the Original article

0 comments: