Maraming mga gawain ng Gobyerno nang Amerika ngayon ang nagbibigay-pansin sa karamihan na ang Amerika ay gumagawa nang digmaan laban sa Islam. Una ay ang pag-atake nito sa Afghanistan, matapos nun ay sa Iraq, at nagpadala nang sandatahang lakas sa Libya at ngayon naman ay ang balak nito na umatake sa Iran. Dahil sa ganitong pagkilos karamihan sa mga Muslim ay tinuturing na halos ang Amerika ay salungat na estado na nais na mabuwag ang lahat ng estado ng Islam. Sa tingin mo din ba? Ang katotohanan ay medyo magkaiba sa ating pagkakaalam, tayo ay nagbibigay-kahulugan at tayo ay nagsasalita patungkol sa mga kwento nang ibang tao, at maging nang media, na sinasabi sa atin.
Una, kailanman ay hindi naging makatwiran kapag ikaw ay nagsimula na sisihin ang buong nasyon o ang bansa sa kamaliang nagawa nang isang tao o nang grupo nang tao. Oo nga at masasabi na ang buong nasyon ay nagkasala kung ang buong nasyon ay nabigay nang kanyang pagsang-ayon sa maling gawain na iyon, at binigyang-pansin ito bilang isang mabuting gawain. Ngunit halos lahat ng maling gawain ay kailanman hindi suportado nang karamihan ng tao. Kung ang isang grupo nang tao ay gumagawa nang gawain na salungat sa Islam gayunpaman hindi ibig sabihin nun na ang nasyon ng Amerika or ang gobyerno nang Amerika ay naghahanda o sumusuporta sa ganun klaseng gawain. Tulad nito lamang, ang isang lalaki ay nagsunog ng banal na Koran at ang lahat ng Muslim ay nagsimulang sisihin ang America sa naturang pangyayari, kahit na ang presidente nang Amerika ay humungin ng paunmanhin sa buong insidente.
Walang-alinlangan na ang mga patakaran ng gobyerno nang Amerika ay hindi mabibigyang-katwiran ang mga nasabing kaugalian, kahit man ako ay narito upang linawin na ang patakaran ng gobyerno nang Amerika at mga gawain nito. Hindi ko sinusuportahan ang mga pag-atake sa Afghanistan at sa Iraq kung ito man ay nagawa nang dahil sa personal na pakinabang lamang. Ngunit ang Al-Qaida ay isang malaking banta, hindi lamang sa America kundi maging sa lahat ng bansa sa buong mundo kasama na ang mga Muslim na bansa tulad ng Pakistan. Nais nilang tudlaan maging ang mga moque sa Pakistan ng walang kahit anong rason. Ang Amerika, bilang pinakamakapangyarihan, ay nakagawa nang malaking hakbang upang lupigin ang ganitong banta sa pamamagitan ng kanilang mga paraan at ito’y naging mabisa.
Ngunit ang digmaan ay hindi kasagutan upang magkaroon ng mapayapang solusyon, ang mga solusyon ay ginagalugad na ngayon nang gobyerno nang Amerika. Halimbawa, kayang nilang makipag-negosasyon sa mga Taliban upang maayos na ang kanilang mga ginagawa ngayon. Ito ay sensitibong isyu at mas maraming matatalinong tao pa sa atin ang kayang mag-isip at gumawa nang aksyon dito. Tayo lamang ay makakapagkomento sa mga isyung ito alinsunod sa ating pagkakaunawa.
Ang mga katanungan ay naroon pa din, “Ang Amerika ba ang salungat sa Islam?” malinaw na ang kasagutan ay hindi. Kung ikaw magtatanong sa mga Amerikano nang ganitong katanungan, 98% sa kanila ay magsasabi nang ang Amerika ay hindi salungat sa Islam o maging sa iba pang relihiyon. Sila ay salungat sa mga kamuhian, terorismo, mga pagkakaiba at iba pang mga masama. Alam na alam nila na ang ilang masasama ang kaisipan ay tinatago sa kanilang isipan ang paggawa nang kasamaan at pananakot sa mundo kung kaya sila ay medyo nakikinabang na makuha ang personal na mga benepisyo. Hindi ng mga taong Muslim o Kristiyano, tiyak na maging ito ay hindi mga tao. Ang ganitong mga tao ay malaking banta at hindi lamang sa Amerika. Bawat bansa na kayang lumaban salungat sa kanila. Kung kaya ang Amerika ay hindi salungat sa Islam, sila ay salungat sa mga terorista. Ngunit kung iyo pa din naiisip na ang Amerika ay salungat sa Islam, maaring lamang ay ikomento mo ang iyong panig upang iyong maipaliwanag ang iyong pananaw.
View the Original article
0 comments:
Post a Comment