Sa Paghahanap ng Pag-ibig ni Allah, ang Dakila

on Wednesday, July 11, 2012

Sa paghahanap ng pag-big ni Allah ang dakila, napakaraming paraan ang nariyan. Ang mga tao ay kadalasang naghahanap sa mga bagay-bagay upang matuklasan ang pagmamahal ni Allah. Si Allah ay laging naroon sa kahit saan man. Minsan, napakadaling mahanap ang pag-ibig para sa Kanya. Minsan, ito naman ang pinakamahirap na hanapin sa buhay ng tao. Ang mga tao ay naninirahan sa mundo kung saan mahirap mahanap ang pag-big ni Allah. Ang tanging paraan na kailangan upang mahanap ang pagmamahal ni Dakilang Allah ay ang pagkakaroon ng malalim na pagnanais. Ang mga taong kabilang sa iba’t ibang relihyon at sekta ay nagsasagawa ng mga paraan upang matuklasan at mabuo ang pagmamahal ng Panginoon. Ang mga tao ay nagsusumikap ng ayon sa kanilang sariling mga paniniwala at pagiisip at kung paano sila pinalaki.

Ang Sufism ay isang paraan din upang mahanap ang pagmamahal ni Allah. Ito ay isang napakalawak na terminolohiya na maaaring ipaliwanag sa mga tao. May mga taong mayroong malakas na paniniwala sa Sufism. Ngayon tignan natin kung ano ang ibig nitong sabihin sa atin. Ito ay nagmula sa salitang Griyego. Tinatawag din itong mysticism ng ibang tao at nabigyan na din ito ng ibang katawagan tulad ng sa wikang Arabo.

Maraming tao ang nakatuklas ng paraan sa paghahanap ng pag-ibig ni Allah sa tulong nitong Sufism. Napakasarap sa pakiramdam ang magkaroon direktang koneksyon kay Allah at hindi ito nangangailangang maging kabilang sa isang partikular na relihiyon o tribo na isinasaalang-alang noong unang panahon. Noong mga unang panahon ng sangkatauhan, isinasaalang-alang na ang mga aral ay nagmumula sa kanilang mga amain at mga kanunu-nunuan. Sa kasalukuyan, ang paghahanap ng pag-ibig ni Allah ay ang paboritong Gawain ng mga tao. Ang mga tao sa bagong henerasyon ay interesado ditto dahil nakapag-dudulot ito ng kasiyahan sa isip at kaluluwa ng tao.

Mayroong ding mga paraan sa paghahanap ng pagmamahal ni Allah. Maaaring hanapin ng tao ang iba’t ibang bagay para sa iba’t ibang kadahilanan. Gawin nating halimbawa ang relihiyong Islam, na ang mga tagasunod nito ay naniniwala sa Quran at sinusubukan nilang sundin ang lahat ng nakasaad dito. Pinaniniwalaan ng mga Muslim ang katotohanan na ang lahat ng bagay ay nakasaad sa banal na aklat at ito ang pinakamahusay na paraan upang mahanap pag-ibig ni Allah. Isang bagay ang kapansin-pansin. Na ang aral ng Islam ay nagpapakita ng tamang daan at pag-big ng Diyos. Ito din ang nagpapatunay na mahal ni Allah ang lahat ng nilalang at nais din Niyang mahalin Siya ng lahat ng nilalang. Ang pagsasagawa nito ay napaka simple lamang at hindi nangangailangan ng malaking sakripisyo.

Ang mahalin ang mga nilalang ng Diyos, ay talagang nakatutulong upang mahanap ang pag-ibig ni Allah. Si Allah ay naninirahan sa puso ng bawat tao. Kailangan lamang nating kilalanin ito. Ito lamang ang tanging bagay na ginawad sa sagkatauhan. Kailangan lang talaga natin itong kilalanin. At ang lahat ng bagay ay magiging madali na lamang. Mahahanap ng tao ang sarili nila sa pinakatiyak na mga kamay.

(Translated from http://muslim-academy.com/in-search-for-love-of-allah-the-almighty/#more-4646)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

View the Original article

0 comments: