Matapos ang atakeng 9/11 sa world trade center, ang mga politico at mga grupong Anti-Islam ay naging aktibo. Nagkaroon sila ng rason upang makalikha ng negatibong imahe ng Islam at ng mga Muslim. Nagsimula silang bumuo ng mga propaganda at inilarawan ang Islam bilang isang teroristang relihiyon at ang mga Muslim bilang mga terorista, mga radikal at hindi tapat sa iba.
Ang maling pagkaka-unawa ng Amerika sa Islam ay dulot na rin ng mga taga kanluranin na mga manunulat na Anti-Islam at pati na rin ang media. Hindi nila masikmurang lumaganap ang Islam sa kanilang baying sinilangan. Taliwas ditto, ang Islam ay relihiyon ng maka-tao, kapayapaan, katarungan at pag-ibig. Ang mga pangunahing moral na pagapahalaga ng Islam ay tulad din ng sa ibang relihiyon. Walang pinagkaiba sa pagitan ng konstitusyon ng Estados Unidos, Bill of Rights at pagpapahalaga ng Islam. Halos magkakapareho lamang ang mga ito. Sa ganitong kadahilanan, ang mga tao ay dapat maniwala na ang pagsunod sa Islam at pagiging tapat sa Amerika ay hindi mahirap.
Ang mga pagpapahalaga at mga aral ng Islam ay nanggaling sa dalawang pinagkunan: ang Quran at ang Hadith. Ang dalawang ito ay naglalaman ng kumpletong direksyon sa lahat ng aspeto ng buhay. Ang Islam din ay rumerespeto sa mga pagpapahalaga at aral ng ibang relihiyon. Nagbibigay ito ng kalayaan sa ibang relihiyon upang isagawa ang kanilang pangrelihiyon na responsibilidad. Ang Fiqh Council of North America at mga kasapi ng FCNA (body of Islamic scholors) ay matatag na naniniwala na ang legal, moral at komunidad na sistema sa kanluran ay maihahalintulad sa mga batas ng Islam at mg autos nito. Ito ay pruweba na ang pagsunod sa Islam at pagiging matapat sa Amerika ay magkaiba, ngunit iisa lang ang ideya.
Kailangan nating linawin na mayroong hindi pagkakaunawa at salungat sa pagitan ng pagiging Muslim na may pananampalataya at naninindigan kay ALLAH, at bilang tapat at mapagkakatiwalaang mamamayan ng Amerika. Isang maling pag-unawa lalo na noong pagkatpos maganap ang Setyembre 11 na ang Muslim ay hindi maaaring maging tapat na Amerikano.
Ang mga Amerikanong Muslim ay walang isyu at problema patungkol sa pagsunod sa mga batas ng bansa. Nararamdaman nila na sila din ay may parehong resonsibilidad, obligasyon at karapatang sibil tulad ng lahat ng taong naninirahan sa lupain ng Estados Unidos. Nararamdaman ng lahat ng Amerikanong Muslim na sila din ay kailangang makisali sa paglutas ng mga problema sa komunidad dahil itinuturo ng Islam sa mga Muslim na nararapat makihalubilo sa kahit anong komunidad na kanilang kinabibilangan. Nais nilang manatili ang kanilang pagiging mamamayan ng Estados Unidos at nais ding mamuhay ng mapayapa at pagkakaisa. Ang pagiging “Muslim” o sumusunod sa aral ng “Islam” ay hindi sagabal sa paggawa nito.
Kailangan ng pagsisikap upang matapos na ang propaganda laban sa Islam at mga pagpapahalagang Islam na gawa ng mga ahensya ng Anti-Islam. Ito na ang panahon upang masabi sa kanila na ang mga Amerikanong Muslim ay tapat sa kanilang relihiyon at maging sa Amerika. Ang agsunod sa aral ng Islam at pagiging tapat sa Amerika ay isang moral na obligasyon para sa kanila. Matinding pagsusumikap ang kailangan upang mabago ang mga maling pananaw tungkol sa Islam at sa mga pagpapahalaga nito. Ngunit walang imposible. Ang mga Amerikanong Muslim ay nararapat na maging masigasig upang maparating nila sa mga oposisiyon na nirerespeto nila ang kanilang lupang tinitirahan.
(Translated from http://muslim-academy.com/is-it-really-that-hard-to-be-a-mulsim-and-be-loyal-to-america-at-the-same-time/)
View the Original article
0 comments:
Post a Comment