Ako ay isang Amerkinong naninirahan sa Boston Massachusetts. Hindi ako isang Muslim, at hindi din ako nagbabalak maging Muslim, at ang lahi ko ay Irish-German. Bagaman, tumulong ako sa pagtatatag ng Akademiya ng Muslim. Maraming tao ang nagtatanong kung bakit ko pinag-uukulan ng panahon ang paaralang ito. Nakarinig ako ng mga birong kasama daw ako sa government watch lists, nagiging John Walker Lindh, na kabilang sa anti-American movements at kung anu-ano pa. ngunit ang tanging sagot, para sa akin, ay simple. Mahal ko ang aking bansa.
Ako, tulad ng nakararaming Amerikano, ay sobrang naapektuhan sa atake ng 9/11. Naalala ko ang mga nasaksihan ko sa mga balita sa telebisyon, mga Muslim na nagsasayawan at nagsasaya sa mga lansangan matapos ang 9/11. Naalala ko ang pagkalito sa nakita kong iyon, nagtataka kung saan nanggaling ang poot na iyon. Maraming taon ang lumipas bago ko sinimulang pag-aralan ang wikang Arabo, dahil naghahanap ako ng trabaho sa State Department. Habang natututo ako ng Arabo, nagkaroon ako ng pagkakataong magkaroon ng klase kasama ang mga mahuhusay na taong naninirahan sa Gitnang Silangan. Ang natuklasan ko ay mayroon silang maling pananaw sa mga Amerika, parang ako sa kanila. At ang nalaman ko din ay mayroon doon mundo na mas mainam ang dialogo.
Kung kaya gumawa ako ng blog upang matupad ang misyon na ito – upang matulungan ang bawat panig na makilala ang isa’t isa. Opiniyon ko na mayroon talagang mga grupo ang laging nananatili sa panig ng kanilang paniniwala. Mayroong mga aksyon sa parehong panig ang nagpapatotoo dito. Ngunit natutunan ko ang lahat sa buhay (kasama na ang aking laging paborito, the Godfather) na kung ilalagay mo ang sarili mo sa posisyon ng ibang tao, lahat ay magiging possible. Kaya, ang Akademiya ng Muslim ay isang paaralang pang-wika, oo. Nguit para sa akin, ito ay pagkakataon para sa Kanluran na matutunan ang kultura ng Muslim, at para na rin sa mga Muslim upang makilala ang mundo (lalo na sa kaso ko, ang Amerika)
Naalala ko ang kasabihan ni Samuel Huntington na, “the future of the world will be defined as conflict between cultures, or the clash of the civilizations as he called it”. Pinapakita sa kasong ito na naglalaban ang Muslim at ang Kanluranin. Ngunit hindi ito dapat. Maliit na mithiin, hindi ba?
http://muslim-academy.com/founding-muslim-academy/
View the Original article
0 comments:
Post a Comment