Ang pagkutya ba ng relihiyon ay ipinagbabawal at ito ba ay kasalanan?

on Monday, July 9, 2012

Ang salitang “pagkutya” ay ilang beses lumabas sa Quran, datapwat hindi naman ito napapasin ng karamihan.  Ang taong tumatawag sa sarili niyang Muslim pero hindi naniniwala s turo ng Islam ay pihadong taidor kay Allah, ang pinakamaawain at pinakamabuti at kanayang mensahero, Propeta Muhammad (P.B.U.H.)

 “At ito naman ay nasusulat sa Quran na kung ikaw ay makarinig ng mga salita ni Allah na itinatangi at kinukutya, huwag kang makipag usap sa kanila hangang sila ay mag usap ng maliban doon, dahil kung ikaw ay sumama sa kanila, magiging kagaya ka na din nila, At sigurado si Allah ay mamimili ng mga hipokrito at hindi mga naniniwala at pagsasama samahin sila s impiyerno.

Sa nasabing talata sa Banal na Quran.  Ito ay malinaw na nasasaad na kung sino man ang hindi nanunuya pero nakikisama sa pakikinig sa mga usapan na may kinalaman sa pangungutya sa mga aral ng Islam, ay magiging responsable at parehong mapaparusahan.

Walang dahilan ang maaring tangapin sa araw ng paghuhukom sa pangungutya sa mga aral ng mga obligasyon o yong mga rekomendado ng propeta Muhammad (P.B.U.H.) dahil ito ay lubhang ipinagbabawal sa Islam at ito ay maituturing na hindi naniniwala.  Kaya ito ay mahigpit na ipinaguutos na i respeto at pahalagahan ang mga aral ni Allah at Sunnah na mensahero ni Profeta Muhhamad (P.B.U.H).

Sa dimaang ng Tabook, kung saan ang grupo ng Muslim ay sinamahan si Propeta Muhhamad (P.B.U.H) kinutya ang mga aral ng Islam at ito ay ipinarating kay propeta Muhhamad ng isang nasaktan na batang Muslim.  Nang nalaman ng grupo na isinumbong sila, pumunta sila kay Muhhamad at sinabi nila na hindi naman nila sinasadya ang kanilang ginawa at hindi naman na hindi sila naniniwala sa mga aral ng Islam kundi nagpapalipas lang sila ng oras at nagbibiro.

Pagkarinig ni Profeta Muhhamad nito sinabi nya ang mga sumusonod mula sa banal na Quran:

Kung tatanungin mo sila, sasabihin nila: Kami ay nagloloko at nag lalaro lamang, Sabihin: Si Allah ba, Ang mga sipi o ang mensahero na sya ninyong kinukutya?  Huwag kayong magkamali, sigurado hindi kayo naniwala pagkatapos ninyong maniwala. (Surah At-Tawbah. 9:65-56)

Ito ay malinaw na ang katotohanan ay hindi na kailanagan ng paliwanag, dahil ito ay immoral at ang tawag ni allah sa mga taong ito ay taong hindi naniniwala at sila ay mananagot sa araw ng paghuhukom dahil sa kanilang pangungutya at ang hindi ni pagpaniwala.

Ito ay mahigpit na pinaguutos sa lahat ng mga Muslim na igalang ang Sunnah na mensahero ni allah, Propeta Muhhamad (P.B.U.H) ang pagkakaroon ng balbas at pagtangal ng buhok sa kilikili para maging malinis sa halip na mangutya at sabihin na si Sunnah ay walang halaga.  Hindi nakakapagtaka na kung ang isang tao a sapilitang mangutya hindi sya tatawaging traidor ng  Islam, datapwat kung ang isang tao ay hayagang mangutya sa  sipi ng Holy Quran at Sunnah sa kanyang Mensahero, propeta Muhhamad (P.B.U.H )hindi siya napapatawad at siya ay tatawaging traidor ng Islam.

(Translated from http://muslim-academy.com/is-mocking-a-religion-forbidden-and-a-sin/)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

View the Original article

0 comments: