Ang pinaka-inaabangang buwan sa Kalendaryo ng Islam, ang pinakabanal, at pinakasagradong buwan sa lahat ng mga buwan, ang pinaka-pinaguusapang buwan sa lahat ng mga buwan, ang buwan na punong-puno ng biyaya, gantimpala, mabuting gawa, at pagninilay-nilay ay walang iba kundi ang Ramadan. Ramadan, kaakibat ng biyaya nito, ay regalo sa atin ng Panginoon para sa mga Muslim. Muslim, sa pamamagitan ng kanilang pag-aayuno, paglayo sa mga makamuundong pagnanais, mga maling Gawain, at ang pagsasamba kay Allah na dakila ay nagpapakita ng kahalagahan ng buwan na ito. Ang Islam at ang Quran ay parehong nagsasaad ng kahalagahan ng banal na buwan na ito at walang sinuman ang makapagtatago ng kahalagahan nito sa lahat ng mga Muslims. Kung titignan natin ang kasaysayan ng Ramadan, malalaman natin na ang pakikisangkot sa pag-aayuno sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng inilarawan na bagay at pagsamba kay Allah ay iniutos na sa mga Muslim noong unang panahon pa lamang. Sinabi ni Allah sa kanyang banal na aklat ng Quran:
“Mag-ayuno kayo para sa akin at gagantimpalaan ko kayo para dito.”
Lahat tayo ay alerto sa mga biyaya at mga gantimpala ng Ramadan. Sa blog na ito, makikita natin ang dalawang magkaibang punto dito at ang importansya ng mga ito. Ang Islam ay relihiyon at ang mga Muslim ay kailangang sundin ang lahat ng mga nakasaad sa turo ng Islam at ang pag-aayuno ay isa sa mga ito. Sa buwan ng Ramadan, ang mga Muslim ay kailangang mag-ayuno sa loob ng 29 o 30 na araw depende sa buwan (Moon). Ang mga arawa na ito ay nahahati sa tatlong Ashras. Ang unang sampung araw ay biyaya ng Ashra, sumunod na sampu naman ay ang Ashra sa pagpapatawad, at ang huling mga araw ay Ashra sa pagkakaligtas mula sa apoy ng impyerno. Ang mga tao ay sumasamba kay Allah at humihingi ng kapatawaran, gumagawa ng mga kabutihan at lumalayo sa mga makamundong pagnanais, kung saan ito ang talagang kahulugan ng pag-aayuno. Tignan natin ang isa pang punto ng kapitalismo at Ramadan. Sa araw ng pagdating ng Ramadan, ang lahat ng bilihin ay nagtataasan na din. Kung susumahin, ang presyo ng mga bilihin ay proporsyunal sa Ramadan. Nakikita atin ito sa lahat ng umuunlad na bansa. Hindi ito ang turo ng Ramdan sa atin! Tinuturuan tayo ng Ramadan na maging mabuti sa kapwa, gumawa ng mga kanais-nais na bagay, at lumayo sa mga makamundong pagnanais.
Mga Aral na Matututunan sa Ramadan:
Ngayon, umusad na tayo at tignan natin kung ano ba ang talagang naituro sa atin ng Ramadan. Ano ang bunga at dulot nito? Ano ang kahalagahan nito? Ang Ramadan ay ang buwan na hindi lamang nirerespeto ng mga Muslim, kundi lahat ng tao sa Kanluran. Tinuturuan tayo ng Ramadan na maging mabuti, mapag-patawad,at magkaroon ng pagtitimpi. Ngunit hindi lahat ng ito ay nasusunod. Tayo, bilang mga Muslim, ay nararapat na sundin ang lahat ng aral na ito na iniwan sa atin ni Allah upang makatanggap tayo ng biyaya ngayong banal na buwan na ito.
You can Read this Article in English Here
View the Original article
0 comments:
Post a Comment