Para sa lahat ng mga Muslim, ang buwan ng Ramadan ay ang pinakamahalaga at espesyal sa lahat ng bagay, at wala ng makahihigit pa dito. Upang malaman ang totoong benepisyo ng Ramada, kailangang magkaroong ng tamang kaalaman sa bawat aspeto nito. Para sa lath ng mga Muslim, napakimportante na alamin ang bawat aspeto ng Ramadan, at kung papaano ito dapat isabuhay sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng alituntunin nito. Sa pagkakaroon ng tamang kaalaman ukol sa Ramadan at ang mga birtud nito, mas nagiging madali para sa isang tao na sundin ang mag ito at ang mga turi ng Islam. Mayroong mga pagkakataon na ang mga tao ay maling kaalaman ukol dito at sa mga birtud nito. Dahil dito, sila ay nakagagawa ng mga maling bagay na hindi naman dapat. Ito ay dahil sa kawalan ng tamang kaalaman ukl sa relihiyon at iba pang mahahalagang aspeto.
Napakaimportanteng malaman na ang Ramadan, ang banal na buwan ng pag-aayuno, ay kilala bilang espesyal na buwan kung kailan si Allah ay nagbibigay ng mga pagkakataon na makakuha ng mga gantimpala, at mga biyaya galing sa kanya. Ang ating Propeta na si Mohammad ay nagsagawa ng mga preperasyon sa kanyang sarili, at nagsagaw din ng mga Gawain at naglaan ng buwan upang mapasaya si Allah.
Kailangan nating maunawaan ang mga aspeto ng aral bilang isang Muslim, at kailangan din natiing mapagtanto na bilang isang Muslim, kailangan natin sumunod sa mga yak ni propeta Mohammad upang malagay tayo sa mas mabuting posisyon. Sa buwan na ito ng Ramadan, an gating propeta na si Mohammad ay naging mapagbigay.
Ang ating propetang si Mohammad ay nagpahayag na, ang sinuman maghain ng pagkian para sa taong nag-aayuno, ay magkakaroon ng gantimpalang gaya ng sa taong nag-aayuno. Alinsunod dito, ang dakilang si Allah ay nagbubuhos ng Kanyang biyaya, awa, kapatawaran, sa lahat ng taong sumusunod at naglalakbay sa tamang daan. Kung kaya mong magpatawad sa buwan na ito sa isang taong nagkasala sayo noong mga nagdaang panahon, at mahikayat ang taong iyon na sumamba kay Allah at maging isang mabuting Muslim, si Allah ay magbibigay sa iyo ng tiyak na gantimpala. Ito ang panahon na dapat mong maunawaan na walang anumang demonyo ang makahahadlang sayo tungo sa tamang daan. Ang Ramadan din ay nagbibigay ng oportunidad sa iyo unpang makapaglaan ka pa ng mas maraming oras kay Allah at magkaroon ka ng mga biyaya at gantimpala galling sa Kanya.
Ngunit kung sinuman ang hindi makapaglaan ng kanyang sarili para kay Allah, ito rin ay responsibilidad ng mga iba pang Muslim na tulungan silang maunawaan ang kahalagahan ng paglalaan ng kanilang sarili para kay Allah. Kailangan din maunawaan nila na walang imposibe sa anumang bagay kung may kasama iong biyaya ni Allah. Resonsibilidad ng mga Muslim na sundin ang mga aral ni Allah. Bilang isang Muslim, nararapat lamang na maikumpara at malaman natin kung ano ang tamang landas, at maunawaan ang kasaganahan ng dulot ng pagpapatawad na nakapagdudulot ng kasaganahan at tagumpay.
You can Read this Article in English Here
View the Original article
0 comments:
Post a Comment