Ang mga tribung Tausug, isa sa mga malalaking tribung Muslim sa Mindanao, na naninirahan sa katimogang bahagi ng Pilipinas sa probinsya ng Sulu ay nakarinig ng isang malakas na putok at matagal-tagal ng hindi naririnig sa nasabing lugar bago lang noong nakaraang buwan. Ang mga putok na ito ay hindi na bago sa mga Waziristan, mga taong nakatira sa kahabaan ng hangganan ng Pakistan at Afghanistan, kung saan ang Estados Unidos ay nakikipaglaban sa mga grupo ng Taliban. Ito ay ang mga Hugong ng terorista, na dumarating mula sa mga malalayong lugar at hindi tiyak ang destinasyon upang maging sanhi ng kamatayan ng ilang mga sibilyan at sundalo, at nagdudulot ng pagkawasak ng lugar na tinatamaan nito. Sa loob lang ng isang minuto, labing limang katao na ang nakalatag na patay at ang komunidad ay nalubog na sa kawalan ng pag-asa, takot, at pagluluksa.
Ang mga atake ng hugong na nagmumula sa kampo ng Estados Unidos, na tinitira ang mga inakusahang mga lider ng Abu Sayyaf at organisasyon ng Jemaah Ismaliyah, minarkahan ang unang pagkakataon na ginamit ang armas na ito sa Timog Silangang Asya. Ang mga teroristang muslim at tausug ang pinakauna sa listahan ng pag-atake.
Katulad sa bansang Pakistan at iba pang lugar na may nagaganap na digmaan laban sa mga terorista, ang mga pag-atakeng ito ay nagdulot ng maraming kontrobersya, at may mga Pilipinong mambabatas na kinondena ang mga pag-atake bilang labag sa pambansang soberanya. Ang kontrobersyang ito ay maaring lumaki pa dahil sa bagong pahayag ng Estados Unidos na gusto nilang palakasin ang mga hugong na ito sa Pilipinas sa lakas na 30 porsyento sa kasalukuyan. Ang Estados Unidos ay mga isang daan ng tropa na nakabase sa Isla ng Jolo kung saan may bagong naganap na pag-atake ng terorista, bagamat hanggang ngayon, ang mga amerikano ay pinapanatili ang papel ng hindi paghihimasok sa gyera.
Ang pagpapalawak ng mga hugong pandigma na ito ng Estados Unidos ay isang potensyal na bagay upang higit pang palakasin ang apoy ng away na kinasasangkutan ng pamahalaan at mg terorista sa Mindanao, na pumatay na ng humigit kumulang 120,000 katao sa loob ng apat na siglo. Upang higit na maunawaan kung ano ang nangyayari sa Pilipinas at sa papel ng Estados Unidos sa kontrahan na ito, kinakailangan nating tingnan ang kalagayan ng mga Tausug, isa sa pinakamaraming grupo at nangingibabaw sa lahat ng grupong muslim sa katimugang bahagi ng Pilipinas. Sila ang kinikilalang mga “Moro” sa Mindanao na ipinangalan ng mga mananakop na espanyol ilang siglo na ang nakalipas.
Ang pangyayaring kagaya nito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi mareso-resolba ang kaguluhan sa Mindanao. At isa rin sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy paring nakabase ang mga hukbong sandatahan ng pamahalaan at ng mga Amerikano sa mga lugar na may mga muslim.
View the Original article
0 comments:
Post a Comment