Bukod sa mga makukulay na kontribusyon ng ibat-ibang rehiyon nito, ang Mindanao ay tahanan ng mga pinakamalaking pang-kultural na minorya sa Pilipinas, ang mga Muslim. Dala ito ng mga Javanese at mga negosyante ng Gitnang Silangang Asya, ang Islam ay ang rehiyon na may tinatayang 20 porsyento ng populasyon ng Pilipinas. Sila ay kilala dahil sa kanilang mistisismo, pang hari o reyna, at ganda na nakikita sa kanilang mga musika at mga sayaw. Sinamahan ng agong at kulintang, ang mga sayaw ng Muslim sa Pilipinas ay minarkahan sa pamamagitan ng buhol-buhol na mga kamay at paggalaw ng mga braso na may mga kumikunang na mga kasuotan.
Isa ang Pangalay sa mga katutubong sayaw ng mga Badjao, minsan kilala sa pangalang “ Sea Gypsies”. Ang Pangalay ay isang sayaw na binigyang-diin ang liksi ng itaas na katawan. Ang maindayog na pagtalbog ng mga balikat na may sabay-sabay na alternatibong pag-alon ng mga balikat ang pangunahing kilusan ng sayaw na ito. Ito ay karaniwang ginaganap sa kasalan at iba pang mga sosyal na pagtitipon.
Ang Asik ay pang-isahang aliping sayaw na ginaganap sa pamamagitan ng isang aliping may dalang payong na kinukuha ang loob ng kanyang among sultan. Ang babae ay may suot na mahabang kuko at sumasayaw at pumuwesto na parang manika ang galaw. Karaniwang sinasayaw ito bago sumayaw ng Singkil.
Ang sayaw na Singkil ay kinuha ang pangalan mula sa mga kampanilya na sinusuot sa mga bukong-bukong ng muslim na prinsisa. Marahil isa sa pinakamatagal sa mga totoong pilipinong sayaw, ang Singkil ay isinalaysay ang mahabang tulang “Darangan” ng mga taong Maranao ng Mindanao. Ang mahabang tulang ito ay sinulat noong ika-14 siglo na nagsasabi tugkol sa tadhana ni Prinsesa Gandingan. Siya ay nawala sa gitna ng kagubatan sa panahon ng isang malakas na lidol na sanhi ng mga diwata ng gubat. Ang magkasabay na palakpak ng magka-ekis na kawayan ay kumakatawan sa mga punong bumabagsak, na kanyang matikas na iniiwasan. Sa katapusan, siya ay iniligtas ng isang prinsepe. Ang mga mananayaw ay nakasuot ng taimtim na mukha at dakilaing paggalaw at sumasayaw ng mabagal sa simula at dahan-dahang bumibilis na may mga apir na sumisimbolo sa mga hangin na nagpapatunay na mapalad. Kapag ginaganap na ito ng mga mayayamang prinsesa ng Lanao, sila ay karaniwang sinasamahan ng isang naghihintay na babae, na siyang may hawak sa magandang pinalamutiang payong na nakapayong sa ulo ng prinsesa saan man siya magpunta. Ngayon, ang mga prinsesa ng kapuluan ng Sulu ay kinakailangan upang magturo ng pinakamahirap at marangal na sayaw na ito.
Ang mga Yakan ay mga muslim ng pangkat etniko sa kabundukan ng Mindanao. Sila ay nakasuot ng mga pinagbuting habing kasuotan na mahigpit sa kanilang katawan. Kasama sa kanilang sayaw ang kumplikadong galaw ng mga kamay at paa. Sa sayaw na ito, ang lalaki ay kanyang kakalasan ang mga nakabalot sa katawan ng kanyang mapapangasawa habang nakasayaw. Ang kanilang mga mukaha ay parehong puno ng putting pintura upang itago ang kanilang mga pagkakakilanlan mula sa mga masasamang espirito.
View the Original article
0 comments:
Post a Comment