Hangad ng bansa ang maging maunlad at magkaroon ng magandang buhay ang bawat Pilipino. Bawat hakbang nito para sa kapayapaan ay kasama ang pag-asang maging daan ito patungo sa hihangad na kaunlaran at pagkakaisa. Ngunit, dahil sa hindi mabisang paggasta ng pondo at ang patuloy na kampanya ng mga militar laban sa mga terorista, ang Maynila ay naubosan na ng kinakailangang mapagkukunang yaman, at inilihis na ang sarili mula sa pagtupad ng ambisyon nitong maging isang bayang sagana sa ekonomiya.
Ang solusyon ng pag-unlad ay maari lamang makamit kung naroroon ang suporta ng mga kapatid nating mga muslim na pumili ng lokal na tagapamahala, kahit na hindi ito madaling gawin, na isinaalang-alang ang katatagan na ang mga tribu ay makipaglaban para sa mga mapagkukunang yaman. Bagamat may mga kabuuang plano ng pakikipag-ugnayan sa konteksto ng tunay na pagsasarili, ito ay may posibilidad upang dalhin ang mga tribu sa pagkakaisa.
Ang tagapamagitan, na kinasasangkutan ng mga lokal na mga pinuno ng relihiyon at internasyonal na mga organisasyon tulad ng “Organization of Islamic Co-operation”, na siyang nanguna sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng mga rebeldeng Moro at ng pamahalaan ng Pilipinas, ay maaring magkaroon ng importanteng papel sa bagay na ito.
Ang kumander na dating namahala sa militar na nakabase sa probinsya ng Sulu na si Major General Reuben Rafael ay nagbigay ng isang halimbawa kung paano ipagpatuloy ang planong pag-isahin ang mga tribu. Noong taong 2007, kanyang isinapubliko ang paghingi ng tawad para sa mga pagkakasala laban sa populasyon. Ang kanyang binuong mga tao ay nagsipag-iyakan, kasama na ang alkalde ng mga Tausug, na siyang nagsabi na hindi kailanman nangyari sa kasaysayan ng Sulu na may isang heneral ng military ang humingi ng pagpapatawad sa kanila sa ganitong paraan. Ito daw ang daan patungo sa puso ng mga Tausug, at hanga sila sa heneral sa pagpapakita nito ng magandang paraan para sa kapayapaan.
Sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga hugong pandigma, ang Estados Unidos ay patuloy na itinulak ang hidwaan sa pagitan ng kabisera at mga lugar sa paligid nito patungo sa isang mapanganib na direksyon. Kung meron mang isang aral na maari nating matutunan mula sa kalahating milinya ng kasaysayan ito ay ang mga armas ang sumisira sa laman at dugo, bagamat hindi nito napupuksa ang espirito ng mga taong motibado sa pamamagitan ng ideya ng karangalan at katarungan.
Sa halip, ang Estados Unidos at ang Maynila ay dapat kumilos kasama ang mga muslim sa Pilipinas upang matiyak ang ganap na karapatan ng pagkakakilanlan, pag-unlad, karangalan, karapatang pantao at determinasyon. Sa pamamagitan nito ay mapabuti ang seguridad ng sitwasyon at ang mga Moro ay mapapahintulutan na mamuhay na masagan at may seguridad sa buhay na kanilang hinahangad sa loob ng mahabang panahon; at sa pamamagitan din nito matatamasa ng Pilipinas ang hinahangad nitong maging Tigre ng Asya kagaya ng dati.
View the Original article
0 comments:
Post a Comment