Sa loob ng daan-daang taon, ang mga Tausug ay may sarili nilang kalayaan at independenteng kaharian, ang tinatawag na Sultanato ng Sulu, kung saan ay itinatag noong 1457 at nakasentro sa Jolo, ang kabisera ng Sulu. Ang Sultanato ang naging pinakamalaki at pinaka-maimpluwensyang pampulitikang kapangyarihan sa Pilipinas na may mataas na binuong rota ng kalakalan ng mga manggagawa sa buong rehiyon. Dahil sa pundasyon na ito ng mga Tausug, ang Islam ay lumaganap sa loob ng Isla ng Mindanao kabilang na ang Maguindanao at ibang karatig na lugar.
Ang hindi magandang relasyon sa pagitan ng mga Moros at ang sentro sa kamaynilaan ay nabuo noong panahon ng kolonisasyon ng mga Espanyol. Ang mga mananakop na Espanyol ay dumating hindi pa matagal ang pagpapatalsik ng mga Muslim sa Espanya, at lango pa sa pamamagitan ng mga makasaysayang tagumpay, ay determinadong puksain ang relihiyong Islam sa rehiyon at makiisa sa Pilipinas sa ilalim ng kristiyanong panuntunan.
Sa mga tagubiling ibinigay ng gobyerno ng Espanya sa bisperas ng unang kampanya nito laban sa mga katimugang Muslim noong 1578, iniutos niya na “wala nang sinumang manggangaral ng doktrina ng Mahoma ang pweding mangaral sapagkat ito ay masama at mali” at iniutos na sunugin ang lahat ng mga mosque. Higit pa, ang gobernador ay naglagay ng tono para sa mga siglo ng tuloy-tuloy na digmaan. Ang ideya ng isang mapanirang sentro ng kapangyarihan ay nakakatatak ng malalim sa alamat at aikolohiya ng mga Tausug.
Sa lahat ng mga grupong Moro, ang Tausug ang itinuturing na pinakamalaya at mahirap na sakupin, na wala ni isang solong henerasyon ng Tausug ang nakaranas ng buhay na walang digmaan sa loob ng nakaraang 450 na taon.
Kahit sinong antropologo ang makapagsasabi, ang mga Tausug ay natirang buhay sa loob ng 500 taon ng pag-uusig at mga pangtatangkang gawing kristiyano dahil sa kanilang mataas na uri ng istraktura ng kapisanan. Ito ay ang klasikong tribo, isang tribong makikipantay at mahigpit kalabanin na nagkakaisa sa harap ng mga mananakop na kaaway at may mga patakarang binigyang-diin ang karangalan, paghihiganti, katapatan, at mabuting pakikitungo.
Nito lamang huling bahagi ng ika-19 na siglo na ang Espanya ay nagtagumpay sa pagsasama sa Sultanato ng Sulu bilang isang ipinagtatanggol na lugar at itinatag ang presensya ng mga hukbong sandatahan sa loob ng Jolo. Ang mga Espanyol ay sinundan ng mga Amerikanong mananakop na maaring maging mas masama pa kaysa sa kanilang hinalinhan. Noong 1906 na labanan, ang hukbong Amerikano ay pumatay ng humigit kumulang 1000 ka lalaking Tausug, mga kababaihan at mga bata, ang ibang 2000 na mga Tausug ay nakipag-ugnayan noong 1913.
Sa kabila ng pagtutol ng mga Moro sa panuntunan ng kolonya ng Estados Unidos, sila ay patuloy na nagtaguyod alinman sa mga administrasyong Amerikano o sa kanilang sariling bansa, sa halip na sumama sa malayang Pilipinas, na may paniniwala na ipagpatuloy ng mga Amerikano ang mga patakarang Espanyol laban sa kanilang relihiton at kultura. Hiling nila ang kalayaan sa kanilang sariling pamamahala, bagamat ang hiling na ito ay tinanggihan.
View the Original article
0 comments:
Post a Comment