Magandang Pananaw ng Muslim Tungkol sa Pag-inom ng Alak.

on Sunday, December 23, 2012

Ito ay alam na ng karamihan tungkol sa katotohanan na ang pag-inom ng alak ay hindi ipinahihintulot sa mga muslim. Ito ay tinatawag na “haram” sa salita ng mga muslim na ang ibig sabihin ay “ipinagbabawal”. Hindi rin sila kumakain ng pagkain na may ethanol, o kahit ang pagsuot ng mga damit na may pabango o may sangkap ng alcohol ay hindi parin tanggap ng mga muslim. Lumalayo sila sa lahat ng bagay na may sangkap na nakakalasing. Ang batas na ito ay galing kay Allah na siyang gumagawa ng mga batas tungkol sa kalusugan at kapaligiran ng mga muslim.

Ang alak ay nagmumula sa katas ng ubas. Ito ay diriktang ipinagbawal sa teksto ng Qur’an sa 5:90. Nakasaad ditto na ang alak ay tiyak na labag sa batas at itinuturing na marumi. Pag-ubos ng anumang halaga ay labag sa batas, kahit na ito ay hindi lumikha ng anumang epekto. Bagamat ang alak ay may magandang dulot din sa kalusugan, isinaad ni Propeta Muhammad na ang alak ay mas maraming negatibong epekto kaysa sa mga positibo nito. Kung kaya, ang alak ay hindi magandang inumin.

Ang alkohol at ang pagdarasal ay hindi maaring ipagsabay. Ang pagdadasal ay isang pangunahing bahagi ng pamumuhay ng mga muslim, isang sapilitang tawag ng Diyos limang beses sa isang araw. Isang ritwal na kung tawagin ay “wudhu” ay kinakailangan bago manalangin na sangkot dito ang paghuhugas ng tubig na siyang spiritwal na kumokonekta sa kapaligiran, kalusugan, at paglikha. Ang pagkakaroon ng alak sa parehong lugar ay hindi nakakaapekto sa panalangin sabi ng mga iskolar ng Islam, bagamat sinuman ang uminom ng alak ay hindi dapat manalangin maliban kung siya ay taos pusong humingi ng tawad.

Ang alak ay nakakalasing kahit na kinikilala ito ng mga muslim noong unang panahon sa panggagamot. Sabi nga ni Muhammad na ang pag-inom nito ay isang sakit, at walang makakagamot sa mga bagay na ipinagbabawal ng Diyos. Nasa tao lang ito kung gugustuhin niyang itigil ang kanyang pag-inum ng alak o hindi, kagaya ng paninigarilyo.
Ang pag-inum din ang siyang naging sanhi kung bakit ang tao ay mahirap ng mgdesisyon kung ano ang tama at mali. Ang pananalampalatayang muslim ay itinatag sa talino, balanseng pag-iisip, at magandang paghatol. Anumang bagay ang nakapagbibigay ng panganib tungkol sa ganitong pag-uugali ay ipinagbabawal, at ito ang isang rason kung bakit ang mga muslim ay hindi umiinum.

Ang pag-inum ng alak ay nagbibigay din ng maling mensahe sa mga bata. Ang pag-upo sa mga tindahang nagbibinta ng alak ay hindi pareho sa pag-inom talaga nito. Kung kaya, ang mga muslim ay maaring pumunta ng mga tindahang may mga alak kung ang layunin lamang nito ay umupo at hindi ang pag-inom at hindi dapat uupo sa mesang may nakahaing alak.
Bagamat may mga Iskolar na hindi sang-ayon sa ganitong batas. Ang mga bars at iba pang kapaligirang may nakahaing alak ay maaring magdala sa mga bata na galugarin ang pag-inom. Ang mga matatandang muslim ang siyang dapat na modelo na walang iinom ng alak lalaong-lalo na kung ito ay para lamang makihalubilo.



View the
Original article

0 comments: