Una ng hinawakan ng Islam ang kapuluan ng Pilipinas bago paman dumating ang mga mananakop na Amerikano at Espanyol. Ang Islamisasyon ng kapuluan ng Pilipinas ay bahagi ng mga pagkalat ng relihiyon sa rehiyon ng Timog Silangang Asya. Ang islam ay hindi lamang relihiyon, tulad ng mga nabanggit ng mga iskolar na muslim kundi isa naring paraan ng pamumuhay. Kaya, nang kumalit ang Islam sa buong bansa, ipinakilala din nito ang sistema ng pamahalaan at sopistikadong kultura.
Ipinakilala din ng Islam ang isang mataas na antas ng istrakturang pampulitika, ang Sultanato. Ang tradisyonal na pamayanang istraktura ng mga muslim ay pinamumunuan ng isang sultan na parehong namamahala sa relihiyoso at sekyular na awtoridad. Ang Datu ang tumanggap ng pampublikong pamumuno, na nagbibigay ng tulong at asbitrasyon sa pamamagitan ng “agama court” sa ilalim ng kanyang pamumuno. Ang kayamanang nakukuha ng pakikidigma ng datu ay ibinibigay sa mga taong kanyang tutulongan, bibigyan ng trabaho, at proteksyon kung kinakailangan. Ang Datu ay hindi tinitukoy sa kanyang kayamanan ngunit sa pamamagitan ng bilang ng kanyang mga tagasunod.
Ang banal na Qur’an ang siyang pinagmulan ng prinsipyo at batas ng parehong sekyular at relihiyon ng mga muslim bilang isang “Ummah” o bansang Islam. Binago ng Islam ang noong una’y watak-watak patungo sa iisang bansa.
Kung kaya, nang dumating ang mga mananakop at hinadlangan ang paglago ng kanilang gobyerno, malaking pagtutol ang nadama ng mga ito, lalong lalo na sa Timog Silangang bahagi ng Pilipinas kung saan ang komunidad ng mga muslim ay purong-puro. Ang tropang Espanyol ay nagtagumpay lamang sa paglikha ng mga butas sa pagitan ng nabinyagang mga Pilipino sa ilalim ng pamamahala ng Espanyol at ang komunidad ng mga muslim na tumangging magpasakop. Ito ay pareho sa pagdating ng mga Amerikanong rehimen kung saan sila ay naglagay ng mga proseso ng pagpuksa sa pamamagitan ng tropang militar kung ang Muslim ay tumangging magpasakop at tumutol sa pagsasamantala ng mga likas na yaman na nasa loob ng Mindanao. Napagtanto ng mga Amerikano na ang prosesong ito ay walang saysay at ipinapalagay ang stratehiyang kukuha sa loob ng mga muslim, sa pamamagitan ng pagtatag ng espesyal na departamento para sa kanilang mga pangangailangan at mga alalahanin.
Gayunpaman, sa pagdaan ng mga panahon, mula sa paghakbang ng mga Amerikano na maisama ang komunidad ng mga Muslim sa komunidad ng karamihang mga Pilipino, ang pagkabiyak ng kultura at relihiyon ay kumalat at lumaki na naging disturb sa pamayanan at sitwasyon ng hindi pagkakaintindihan. Ang mga muslim ay nanatiling hiwalay mula sa mga pag-asinsong ibinigay ng pamahalaan sa Hilagang bahagi ng Pilipinas, ang mga nasyonalista ay lumago, at ang mga galit sa pagitan ng Muslim at Kristiyano ay nabuo.
Ang gobyerno ng Pilipinas sa marami ng pagkakataon ay sinubukan ang ilang pamamaraan para matugunan ang isyu ng bansa tungkol sa mga separatistang mga muslim sa pamamagitan ng mga patakaran at ang paglikha ng ilang tanggapan. Ang Tripoli Agreement ay binuo upang magbigay ng pampulitikang pagsasarili para sa dalawang mga Muslim na rehiyon, at pagkilala ng kanilang mga kultura, tradisyon, at mga kaugalian at batas Islam.
Mula noon, marami ng sumunod na kasunduan ang pinirmahan pero hanggang ngayon ay wala paring naresolba.
View the Original article
0 comments:
Post a Comment