Ang isang reklamong kriminal ay binuksan ng mga awtoridad na nagbigay ng akusasyon sa apat na lalaking naninirahan sa California na nakipagsabwatan sa mga bahagi ng mga gawaing terorista na may layuning maghanda para sa pag-atake nito sa mga Amerikano sa ibang bansa, kabilang na ang mga tauhan ng militar ng Estados Unidos.
Ang pinaghihinalaang pasimuno ay kinikilalang si Sohiel Omar Kabir, 34 taong gulang, ang siya ring inakusahan na nag-recruite kay Ralph De Leon, isang Pilipino na may edad na 23, at si Miguel Alejandro Santana Vidriales, 21 taong gulang. Ang dalawang ito ay nagbalik Islam sa ilalim ng impluwensya ni Kabir at sila rin ang nag-arkila sa ikaapat nilang kasapi na si Arifeen David Gojali, 21 taong gulang.
Sa mga pag-uusap na ikinalat o itinala sa pamamagitan ng isang hindi nagpakilalang impormante ng FBI, si De Leon at Santana ay nagsalita tungkol sa paglalakbay nila sa Afghanistan upang sumali kay Kabir at makipag-ugnayan sa isang marahas na “jihad”. Sabi nito na kanilang inilarawan ang mga potensyal na target para sa pag-atake kabilang na ang mga kampo ng militar ng Estados Unidos.
Ayon sa FBI, si De Leon at si Santana, kasama si Gojali, ay gumawa ng ilang pagbisita sa pasanayan ng pagpapaputok at sa pasilidad ng “paint ball” sa Los Angeles upang makapagsanay bilang bahagi ng paghahanda para sa teroristang pagsasanay.
Si Kabir, isang mamamayan ng Estados Unidos ay naninirahan muna sa isang bayan ng Pomona, Los Angeles bago pumunta sa ibang bansa nitong 2011. Siya ay ipinanganak sa Afghanistan at naninilbihan sa Pwersang Panghimpapawid ng Estados Unidos noong taong 2000 hanggang 2001. Siya ay nahuli sa Afghanistan at nananatili sa kustodiya doon.
Ang tatlong kasamahan, lahat ay nakalista na nakatira sa Katimugang California sa Inland Empire, ay naaresto sa labas ng isang apartment sa bayan ng Chino, dalawang araw bago sila balak na lumipad mula Mexico patungong Turkey at doon na lilipad patungong Afghanistan. Paliwanag ng FBI na walang posibilidad na makakasakay sila ng eroplano doon. Ginawa nila ang paunang pagharap sa hukom noong araw ng kanilang pagkadakip bago sila hinusgahan ng pederal na hukom sa Riverside.
Si Deleon, isang legal na permanenteng resident e ng Estados Unidos, ay ipinanganak sa Pilipinas. Si Santana rin ay isang legal na permanenteng resident eng Estados Unidos, taga Mexico na may nakabinbing mga aplikasyon ng pagkamamamayan ng Estados Unidos, habang si Gojali ay isang Vietnamese na mamamayan narin ng bansa. Ang tatlo ay haharap sa hatol na labing limang taon ng pagkakabilanggo kung napatunayan na sila ay nakikipagsabwatan upang magbigay ng materyal na suporta sa mga terorista. Habang ang lider na si Kabir ay hindi pa malaman kung kailan ang unang paghaharap sa korte at nananatili pa hanggang ngayon sa Afghanistan.
View the Original article
0 comments:
Post a Comment