Ang pag-aalaga ng mga muslim ay nailalim sa impluwensya ng relihiyosong pananaw at pangkulturang tradisyon na naglalagay sa sikolohiya ng muslim at kristiyano sa pagkakaiba sa maraming mahahalagang bahagi ng buhay.
Ang una ay may kaugnayan sa galit. Ang mga kanluraning mga bata ay napapalaki na tinuturuan na ang galit ay isang negatibong bagay at ang pagpapakita ng galit ay nakakahiya at pinakamadaling pamamaraan para mawala ang respeto ng lipunan. Kagaya nga ng kasabihan sa Denmark, “ang mga malilit lang na aso ang tumatahol”. Sa mga muslim naman sa kasalungatan, sila ay tinuturan na ang galit at pagiging agresibo ay tanggap ng lipunan na siyang paraan sa paghawak ng hidwaan at pagpapalabas ng sama ng loob. Ang obserbasyon na ito ay suportado ng malalaking pag-aaral na ginawa sa German University of Lower Saxony na kalakip nito ang pagtatanong sa 45,000 na kabataang may edad na 14 hanggang 16. Ayon sa pag-aaral na iyon, ang mga lalaking lumalaki sa relihiyong Muslim ay mataas ang posibilidad sa pagiging bayolente.
Ang pangalawang pagkakaiba sa pagitan ng Muslim at Kristiyano ay ang pagpapalaki na dala ang prinsipyo at tiwala sa sarili. Ang mga Kanluranin sa pangkalahatan ay pinapalaki na may pag-iisip na ang paghawak sa kritisismo ay hindi nakakasama ng loob ay isang senyales ng balansya ng mentalidad at pansariling lakas. Ang pagtitiwala sa sarili at ang abilidad sa paggamit ng kritisismo sa paraang nakakatulong kung ito ay totoo at baliwalain kung hindi, ay isang senyales ng totoong tiwala sa sarili at pagiging totoo. Sa kulturang muslim, ang kritisismo ay iniisip na isang pang-iinsulto at inaasahang sila ay agresibong tutugon dito. Alam ng mga ito na ang anumang uri ng kritisismo at pagtugon sa agresibong pamamaraan, handa sila kahit na ang patayin ang myembro ng kanilang pamilya, maprotektahan lamang ang dangal ay hindi kinilala na kagalang-galang ng sikolohiyang kanluranin. Ito ay sinyales ng pagiging hindi matatag, mahina, at hindi balanse ang kaisipan.
Ang ikatlong kaibahan sa pagpapalaki ay tumutukoy sa karanasan kung papaano hinugis ang ating buhay. Ang kulturang kanluranin ay dominado ng damdamin ng panloob na pag-kontrol. Ibig sabihin na tayo ang pangunahing responsable sa ating sariling pagkilos, sitwasyon, at estado ng pag-iisip. Ang mundo ng mga muslim ay walang ganitong sistema ng paniniwala at walang industriya ng personal na pagpapayo. Ito ay dahil dominado sila ng panlabas na kontrol. Kung ang muslim ay may problema, sila ay agad-agad na nagtatanong “Sino ang may gawa sa akin nito?” Ang pag-aalaga ng muslim ay nagpapakita na ang pag-iwas sa kasamaan sa pamamagitan ng pagtuturo ng mabuting asal ay hindi tanggap kapalit ang kaparusahan.
Ang ikaapat na sikolohiyang kaibahan ng pagpapalaki ay tungkol sa pagkakakilanlan at tolerance. Halos lahat ng kanluranin ay tinuturuan na ang lahat ng relihiyon at kultura ay pantay-pantay. Ang mga kanluranin ay mapagparaya at kahit ngayon marami ang natatakot na tawaging “rasista” kapag binabatikos ang totalitaryong relihiyon, mataas na antas ng krimen ng mga dayuhan, at iba pa. Sa kabilang banda, ang mga muslim ay sinasabihan na sila ay nabibilang sa ilang pangkat ng relihiyon at ang kanilang katapatan sa tribu at sa relihiyon, kapalit ng katapatan patungo sa pagkakasunod-sunod ng pambansang pagkakakilanlan at sekyular na batas, at kapalit ng hindi pagkukunsinte sa mga hindi muslim.
Ang mga kaibahan ng pag-aalaga na ito ay isang malakas na dahilan kung bakit hanggang ngayon ay walang pagkakaintindihan tali sa mga kristiyano at muslim.
View the Original article
0 comments:
Post a Comment